Bakit
Sa isang batang di pa ganap ang kamalayan at kaalaman sa buhay, ang tanong na—Bakit?—ay isang palaisipan. Kung paanong ang isang blankong papel ay nais na masulatan, ang kanyang isipan ay naghahangad na mapunan. Maaaring nakaiinis ang kanyang walang tigil na pagtatanong, subali'tdi ba gayon ka rin kapag nais mo ng sagot sa mga bagay na di mo alam?

Bakit? Isang tanong na humihingi ng paliwanag. Isang tanong na naghahanap ng katuwiran. May mga taong nasisiyahan na sa sagot na "Oo" o "Hindi" nguni't karamihan ay mas nagnanais pa rin ng kaiiwanagan. Nararapat lang sapagkat maging ang kamangmangan sa batas ay hindi nagpapatawad sa sinuman. Kailangan mong makaalam!

Maging sa paksa tungkol sa kaligtasan, marami ang naguguluhan at naliligaw ng daan dahil sa kawalang kaalaman sa isinasaad ng Banal na Kasuiatan. May responsibilidad kang hanapin ang katotohanan. Huwag kang mahiyang magtanong—Bakit?

Nasusulat sa Bibliya, "Na lagi kayong handa sa pagsagot sa bawat tao na humihingi sa inyo ng katuwiran tungkol sa pag-asang nasa Inyo" (1 Pedro 3:15). Ito'y nangangahulugang nais ng Diyos na malaman ng bawat tao ang tungkol sa kaligtasan.
Hayaan nating ang Kaniyang Salita ang magbigay ng kasagutan sa ating mga tanong na—Bakit?

1. Bakit kailangan kong maligtas?
"Sapagka't ang lahat ay nangagkasala nga, at hindi nangakaabot sa kaluwalhatian ng Dios" (Roma 3:23).
"Sapagka't ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; datapuwa't ang kaloob na walang bayad ng Dios ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na Panginoon natin" (Roma 6:23).

2. Bakit si Cristo Jesus ang dapat kong maging Tagapagligtas?
"Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko" (Juan 14:6).

"At sa kanino mang iba ay walang kaligtasan: sapagka't walang ibang pangalan sa silong ng langit, na ibinigay sa mga tao, na sukat nating ikaligtas" (Gawa 4:12).

"Datapuwa't ipinagtatagubilin ng Dios ang kaniyang pag-ibig sa atin, na nang tayo'y mga makasalanan pa, si Cristo ay namatay dahil sa atin. Lubha pa nga ngayong inaaring-ganap sa pamamagitan ng kaniyang dugo, ay mangaliligtas tayo sa galit ng Dios sa pamamagitan niya" (Roma 5:8-9).

3. Bakit kailangan kong magsisi?

"Sinasabi ko sa inyo. na gayon din magkakatuwa sa langit dahil sa isang makasalanang nagsisisi, kaysa siyam na pu't siyam na taong matutuwid na di nangangailangang magsipagsisi" (Lukas 15:7).

"Kaya nga mangagsisi kayo, at mangagbalik loob, upang mangapawi ang inyong mga kasalanan, upang kung magkagayon ay magsidating ang mga panahon ng kaginhawahang mula sa harapan ng Panginoon" (Gawa 3:19).

"Hindi mapagpaliban ang Panginoon tungkol sa kaniyang pangako, na gaya ng pagpapalibang ipinalalagay ng iba; kundi mapagpahinuhod sa inyo, na hindi niya ibig na sinoman ay mapahamak, kundi ang lahat ay magsipagsisi" (II Pedro 3:9).

4. Bakit dapat akong mabautismuhan sa tubig sa pangalan ni Jesus?
"At sinabi sa kanila ni Pedro, Mangagsisi kayo, at mangagbautismo ang bawa't isa sa inyo sa pangalan ni Jesucristo sa ikapagpapatawad ng inyong mga kasalanan; at tatanggapin ninyo ang kaloob ng Espiritu Santo" (Gawa 2:38).

"Sapagka't ang lahat na sa inyo ay binautismuhan kay Cristo ay ibinihis si Cristo" (Galacia 3:27).

"Na ayon sa tunay na kahawig ngayo'y nagligtas, sa makatuwid baga'y ang bautismo, hindi sa pagaalis ng karumihan ng laman, kundi sa paghiling ng isang mabuting budhi sa Dios, sa pamamagitan! ng pagkabuhay na maguli ni Jesucristo" (I Pedro 3:21).

5. Bakit kailangan kong tumanggap ng Banal na Espiritu?
"Datapuwa't tatanggapin ninyo ang kapangyarihan. pagdating sa inyo ng Espiritu Santo: at kayo'y magiging mga saksi ko sa Jerusalem, at sa buong Judea at Samaria, at hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa" (Gawa 1 :8).

"Datapuwa't kung ang sinoma'y walang Espiritu ni Cristo, siya'y hindi sa kaniya" (Roma 8:9).

"Nguni't kung ang Espiritu niyaong bumuhay na maguli kay Cristo Jesus sa mga patay ay magbibigay buhay naman sa inyong mga katawang may kamatayan, sa pamamagitan ng Espiritu na tumitira sa inyo" (Roma 8:11).

"At gayon din naman ang Espiritu ang, tumutulong sa ating kahinaan: sapagka't hindi tayo marunong manalangin ng nararapat; nguni't ang Espiritu rin ang namamagitan dahil sa atin ng mga hibik na hindi maisaysay sa pananalita" (Roma 8:26).

6. Bakit kailangan kong mamuhay na may kabanalan?
"Upang ang iglesia ay maiharap sa kaniyang sarili na maluwalhati, na walang dungis o kulubot o anomang gayong bagay; kundi ito'y nararapat maging banal at walang kapintasan" (Efeso 5:27).

"Sundin ninyo ang kapayapaan sa lahat ng mga tao, at ang pagpapakabanal na kung wala ito'y sinoman ay di makakakita sa Panginoon" (Hebreo 12:14).

"Upang patibayin niya ang inyong mga puso, na walang maipipintas sa kabanalan sa harapan ng ating Dios at Ama, sa pagparito ng ating Panginoong Jesus na kasama ang kaniyang lahat na mga banal" (1 Tesalonica 3:13).

7. Bakit kailangan kong maging handa sa pagbabalik ni Jesus?
"Nguni't tungkol sa araw at oras na yaon, walang makakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama lamang." "Mangagpuyat nga kayo: sapagka't hindi ninyo nalalaman kung anong araw paririto ang inyong Panginoon" (Mateo 24:36, 42, 44).

"Na hintayin yaong mapalad na pag-asa at ang pagpapakita ng kaluwalhatian ng ating dakilang Dios at Tagapagligtas na si Jesucristo" (Tito 2:13). irc

Apostolische Pfingstgemeinde (UPC)
Friedelsheimer Str. 14-20
68199 Mannheim
Germany
http://www.v-p-m.de

Worship Service:
Sunday 2.30 pm

Biblestudy:
Tuesday 7.00 pm