Mahal Kita
Problema. Kaguluhan. Pagtaas ng mga bilihin. Kalamidad. Pagbagsak ng ekonomiya. Parang mas mabuting isiping wala na yatang pag-asa. Wala ng pagbabago. Wala ng magandang kinabukasan. Tila walang sinumang makakatulong sa iyo o magmamalasakit. Walang pumapansin at nagmamahal.

Ang takbo ba ng buhay ay sadyang ganyan na lamang? Wala na nga bang pag-asa?

Kabaligtaran sa pananaw mo at ng iba pang tao, may magandang buhay na naghihintay. May isang nagnanasa na mapabuti ang iyong buhay at Kalagayan. Aiam mo man o hindi, nararamdaman mo man o hindi—Iniibig ka ng Diyos! Minamahal ka Niya, "Ang Panginoon ay napakita nang una sa akin, na nagsasabi, Oo, inibig kita ng walang hanggang pag-ibig: kaya't ako'y lumapit sa iyo na may kagandahang-loob" (Jeremias 31:3). Ang Dios ay may nakalaang magandang plano sa iyo, "Sapagkat nalalaman ko ang mga pag-iisip na aking iniisip sa inyo, sabi ng Panginoon, mga pag-iisip tungkol sa kapayapaan, at hindi tungkol sa kasamaan, upang bigyan kayo ng pag-asa sa inyong huling wakas" (Jeremias 29:11).

Maaring mag-alinlangan ka sa Kanyang pag-ibig dahil sa iyong kalagayan sa buhay, nakaraan o pagkatao. Maaaring isipin mo na ikaw ay isang taong makasalanan at hindi nararapat sa Kanyang dakilang pag-ibig at kagandahang-loob.

Totoo na ang tao'y nagkasala—kabilang ka; at ako sa mga makasalanan ayon sa Roma 3:23, "Sapagkat ang lahat ay nangagkasala nga, at hindi nangakaabot sa kaluwalhatian ng Dios."At ang kasalanan ang naghiwalay sa Dios at sa tao. "Ngunit ang sala mo ay nagiging dahilan kaya di marinig ang dalangin mo, at siya ring dahilan sa paglalayo ninyo (ng tao at ng Dios)" (Isaias 59:2);

1. Lalong higit na ipinakita ng Diyos ang Kanyang pag-ibig nang ikaw ay nasa makasalanang kalagayan pa "Datapuwat, ipinagtagubilin ng Dios ang kanyang pag-ibig sa atin na nang tayo'y mga makasalanan pa, si Cristo ay namatay dahil sa atin" (Roma 5:8).

Hindi mo kayang bayaran ang iyong kasalanan. Anumang kawanggawa at pagpapakabuti ng tao ay hindi sapat; ni hindi makapag-aalis ng iyong kasalanan sapagkat ito ay isa lamang maruming basahan sa harapan ng Dios. "Lahat naming katuwiran ay naging parang basahang marumi" (Isaias 64:6).

Minahal ka ng Dios na nilayon Niyang magkatawang-tao upang tubusin ka sa iyong kasalanan. Inihandog Niya ang kaniyang sarili bilang isang alay, "At gayon din naman si Cristo ay inihandog na minsan upang dalhin ang mga kasalanan ng marami" (Hebreo 9:28). Siya ang walang dungis na Kordero na naging kabayaran para sa ating mga kasalanan. Ibinigay Niya ang Kaniyang buhay upang ikaw ay magkaroon ng kaligtasan!

"Ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan datapuwat ang kaloob ng walang bayad ng Dios ay buhay na walang hanggan kay Cristo Hesus na Panginoon natin" (Roma 6:23). Ibinigay Niya ang Kaniyang buhay upang tayo ay mabuhay!

2. Layunin ng Dios na bigyan ka ng kasiya-siya at matagumpay na buhay
Siya ay namatay subalit hindi nanatili sa libingan. Pagkatapos ng tatlong araw, siya'y nabuhay na mag-uli! Siya ay bumangon sa libingan na isang buhay naTagapagligtas! "Datapuwat si Cristo nga'y muling binuhay sa mga patay" (I Corinto 15:20). "At kung si Cristo ay hindi muling binuhay, ang inyong pananampalataya ay walang kabuluhan kayo'y nasa inyong mga kasalanan pa" (I Corinto 15:17).

Naparito Siya upang tayo'y "magkaroon ng buhay, at magkaroon ng kasaganaan nito" (Juan 10:10).

Si Hesus ang iyong pag-asa! Kung ikaw ay mananampalataya sa Kanya at lubusang ipagkakatiwala ang iyong buhay, ang tagumpay ay hindi malayo!

3. Kalakip ng Kanyang pag-ibig ay ang kaloob na buhay na may kapayapaan at kagalakan
Sa kabila ng mga situwasyong iyong hinaharap o problemang sinusuong, sa piling ni Hesus ay may ibayong kapayapaan at kagalakang mararamdaman. Ipinangako ng Panginoon sa Juan 14:27, "Ang kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo, ang aking kapayapaan ay ibinibigay ko sa inyo: hindi gaya ng ibinibigay ng sanlibutan, ang ibinibigay ko sa inyo, Huwag magulumihanan ang inyong puso, ni matakot man."
Ngayon, alam mo na mayroon kang pag-asa. May buhay na may kasiyahan at tagumpay. Higit sa lahat may Diyos na nagmamahal sa iyo. Inaabot ka Niya sa pamamagitan ng Kanyang wagas na pag-ibig. Ninanais ni Hesus na maranasan mo ito sa bawat araw ng iyong buhay. Walang pasubaling minamahal ka ng Diyos. Tatanggapin mo ba ang inaalok Niyang wagas na pag-ibig? Sasabihin mo rin ba sa kanya, "Mahal kita"? mgd

Apostolische Pfingstgemeinde (UPC)
Friedelsheimer Str. 14-20
68199 Mannheim
Germany
http://www.v-p-m.de

Worship Service:
Sunday 2.30 pm

Biblestudy:
Tuesday 7.00 pm