“Saan Ako Pupunta?”
Kaibigan, minsan ba ay naitaning mo ba sa iyong sarili, “bakit kaya ako nabubuhay?” Bago mo basahin ang kabuuan ng nilalaman nito, nais ko munang ikaw ay pag-isipin patungkol sa ating buhay; kung bakit tayo naririto sa mundo, ano ang ginagawa natin, at pagkatapos ng buhay saan tayo pupunta?
Ecc 1:4
Isang salin ng lahi
ay yumayaon, at ibang salin ng lahi ay dumarating; nguni't ang lupa ay nananatili
magpakailan man.
Ecc 1:5 Ang araw naman ay sumisikat,
at ang araw ay lumulubog, at nagmamadali sa dakong sinisikatan nito.
Ecc 1:6 Ang hangin ay yumayaon
sa dakong timugan, at pumipihit sa hilagaan: at laging pumipihit na patuloy,
at ang hangin ay bumabalik uli ayon sa kaniyang pihit.
Ecc 1:7 Lahat ng mga ilog ay humuhugos
sa dagat, gayon may hindi napupuno ang dagat; sa dakong hinuhugusan ng mga ilog,
doon din nagsisihugos uli ang mga yaon.
Ecc 1:8 Lahat ng mga bagay ay
puspos ng pagaalapaap; hindi maisasaysay ng tao: ang mata ay hindi nasisiyahan
ng pagtingin, ni ang tainga man ay nasisiyahan sa pakikinig.
Ano ba ang iyong buhay?
Jam 4:14 Kayo ngang hindi nakaaalam ng mangyayari bukas. Ano ang inyong buhay? Kayo nga'y isang singaw na sa sangdaling panahon ay lumilitaw, at pagdaka'y napapawi.
Kaibigan,gaano mo pinapahalagahan
ang iyong buhay? Naririto tayo sa mundong kung saan ang mga bagay ay paulit-ulit
na nangyayari (nakasaad mula Ecc 1:4-8)
Hindi natin batid kung hanngang saan lang tayo o kung ano ang mangyayari sa
hinaharap, kung kaya’t may Diyos na tumitingin at gumagabay sa atin.
“Ay hindi! Simbahan nanaman iyan,para lang madagdagan ang mga miyembro. At saka isa pa, mabait naman ako eh, ok na iyon.“
Kaibigan, hindi kayang iligtas ng tao ang kanyang sarili.
Sa ating mga gawa…
Tit 3:5 Na hindi dahil sa mga gawa sa katuwiran na ginawa nating sarili, kundi ayon sa kaniyang kaawaan ay kaniyang iniligtas tayo, sa pamamagitan ng paghuhugas sa muling kapanganakan at ng pagbabago sa Espiritu Santo,
Kaligtasan, Pangangailangan ng Tao
Rom 3:23 Sapagka't ang lahat ay nangagkasala nga, at hindi nangakaabot sa kaluwalhatian ng Dios;
Psa 51:5 Narito, ako'y inanyuan sa kasamaan; at sa kasalanan ay ipinaglihi ako ng aking ina,
Rom 3:10 Gaya ng nasusulat, Walang matuwid, wala, wala kahit isa;
Kaibigan, alam kong nais nating maging mabuti sa harap ng tao. Kahit anong gawin nating pag-iisip at haka-haka ng siyensya, tayo ay ginawa ng Diyos ayon sa Kanyang wangis.
Gen 1:27 At nilalang ng Dios ang tao ayon sa kaniyang sariling larawan, ayon sa larawan ng Dios siya nilalang; nilalang niya sila na lalake at babae.
Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa Kasalanan?
1Jo 3:4 Ang sinomang gumagawa ng kasalanan ay sumasalangsang din naman sa kautusan: at ang kasalanan ay ang pagsalangsang sa kautusan.
1Jo 5:17 Lahat ng kalikuan ay kasalanan:
1Jo 3:8 Ang gumagawa ng kasalanan ay sa diablo; sapagka't buhat pa nang pasimula ay nagkakasala ang diablo. Sa bagay na ito'y nahayag ang Anak ng Dios, upang iwasak ang mga gawa ng diablo.
Rom 6:23 Sapagka't ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan…
Ano ang gagawin ko upang maligtas?
Act 2:38 At sinabi sa kanila ni Pedro, Mangagsisi kayo, at mangagbautismo ang bawa't isa sa inyo sa pangalan ni Jesucristo sa ikapagpapatawad ng inyong mga kasalanan; at tatanggapin ninyo ang kaloob ng Espiritu Santo.
Ang impierno ay mainit
Kabilang buhay ay magpakailanman
Kamatayan ay sigurado
Buhay ay hindi tiyak
Kaya, kailangan nating mag desisyon NGAYON…
2Co 6:2 (Sapagka't sinasabi niya, Sa panahong ukol kita'y pinakinggan, At sa araw ng pagliligtas kita'y sinaklolohan: Narito, ngayon ang panahong ukol; narito, ngayon ang araw ng kaligtasan):
Nais mo bang sumunod kay Cristo?
Mat 11:28 Magsiparito sa akin, kayong lahat na nangapapagal at nangabibigatang lubha, at kayo'y aking papagpapahingahin.
Rev 3:20 Narito ako'y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako'y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya'y kasalo ko. tlp
Apostolische
Pfingstgemeinde (UPC) Friedelsheimer Str. 14-20 68199 Mannheim Germany http://www.v-p-m.de |
Worship
Service: Sunday 2.30 pm Biblestudy: Tuesday 7.00 pm |